Music Trend

December Avenue – Huling Sandali (OFFICIAL LYRIC VIDEO)



The brand new single from December Avenue released 04/07/19 under Tower of Doom Music.

Huling Sandali is also part of the official soundtrack of the movie “Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon.”

Check out December Avenue’s Facebook page and get the latest updates on their upcoming events and releases.

“Huling Sandali”

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso sa tuwing ako’y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo’t huwag mong bitawan

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso sa tuwing ako’y nakatingin sayo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

Darating din ang gabing walang pipigil sa’tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kahit sandali, palayain ang pusong ‘di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika’y magiging akin

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

Kung darating din ang gabing walang pipigil sa’tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon.

Kahit sandali palayain ang pusong ‘di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa’tin

At sa bawat minuto
Ako’y ‘di natuto
Ipilit mang iba, ako’y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

Kahit sandali, palayain ang pusong ‘di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa’tin

Kahit sandali, patawarin ang pusong ‘di tumigil para sa’ting dalawa
Ang maling pagkakataon na ika’y magiging akin

Comments (36)

  1. Tamang senti at puyat kahit may pasok pa ko mamaya. Awtss 💔

  2. You confessed that u love me and sabi ko dipako ready ngayong okay nako wala ka naman. Ang sakit, nahuhulog palang ako sayo pero ikaw bumabangon kana. And in the end ako yung nasaktan

  3. "Patawarin ang pusong 'di tumigil"

    I was 14 when I met you. When I loved you. We fell inlove. You left. We fell apart. I was hurt. I moved on, so I thought. Now I am 24, and it's still you.

  4. click the link to see and play the official misic video of Huling Sandali by December Avenue, thanks me later https://ckk.ai/WMF5a

  5. ganda talaga nag mag lahat nang kanta ng DECEMBER AVENUE..prang may meaning lahat

  6. Like kong umuulan habang pinapakinggan ang kantang to…

  7. worst part dito? kahit anung gawin mong pag pipigil sa nararamdaman mo , di mo magawa, kasi mas lalo lang syang lumalala pag pinipigilan mo, pero di pwedi eh, di kayo para sa isat isa.

  8. 10 likes aamin nako sa kanya

  9. it’s been more than 5 years…
    it’s still you 🤧

  10. Ramdam koyong lalaki nong aalis nayong babae

  11. check niyo naman channel ko para sa mga broken hearted dyan.
    baka may mapulot kayong or baka malaman niyo yung True love sa mga vlogs ko.
    eto yung relasyon na walang Break up puro lang saya.
    salamat sa Dios

  12. Bakit ganon?may mga tao na na alam nya na sya ang tamang or bagay para sayo pero mas pinili nya yung maling tao at ang iba pa ang kanyang sisihin parang nagmumukhang tanga diba

  13. Sakit maiwan pero umaasa ako na kung tayo sa huli tayo talaga. Maling pagkakataon lang siguro ngayon. 💔💔

  14. Mahal na mahal ko Talaga siya! Kaso may mga bagay talaga na kailangan mong isakrepisyo😭

  15. May nakilala ako sa isang lugar.. anak ng amo ko.. cute sya,friendly,chaka madaling kunin ang loob. Everynight namamasyal kami sa park,bbq,tingin sa dagat,uuwi kami late night.. ya na fo fall na nga ko sa kanya..at halata ko ring gusto nya na rin ako..pero ala akong lakas ng loob umamin sa kanya. Takot kasi ako ma reject or ma friendzone..sobrang ganda nya kase.
    Hanggang sa dumating na ang araw para sya ay umuwi dahil tapos na ang bakasyon.kelangan nya ng pumasok.
    Sa bus,habang nakasakay kami at mag kaupo at ihahatid ko sa terminal. Magkahawak ang kamay,lay down ulo nya sa balikat ko.. gusto ko ng umamin pero dinadaga ako.. hanggang tuluyan na kaming nag ka hiwalay. Taon na nakalipas di pa rin kami nag kikita. At balita ko may bf na sya.. sad to say pero tanggap ko na.. alam kong mahilig sa opm yun kaya nag babaka sakali akong mabasa nya to.
    //Hadukin mahal kita,gang ngayon. Hope someday magtagpo ulit landas natin. Miss na miss na kita..

  16. Mag hihintay ako , maghihinatay ako sayo sa huling pagkakataon alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita JL 💔

    Alam ko kasalanan ko kung bakit tayo nagka ganito ako ang nagturo sayo para mag fade yung pagmamahal mo sakin peru hon tatanggapin parin kita kahit nagawa mo yun 🙁 mahal na mahal kita sobra😢

  17. ang ganda talaga ng kanta nito sobrang patama sa mga nagmamahal ehh…

  18. Napaka tanga ko na hindi ko manlang naamin yung feelings ko sa kaisa isang babaeng minahal ko coz that time i was afraid to be friendzoned and masayang yung friendship namin but i was just realize na its not about sa kung anong magiging sagot nya , ang mahalaga nasabi ko yung feelings ko

  19. Umaasa parin akong magkabalikan pa kami. Hindi naman masamang umasa diba?

  20. Sakit iwan sa ere😢💔

  21. Sakit maiwan ng mag isa 😢💔

  22. Huling sandali!.
    Huling sandali na makasama ka
    Huling sandali na masilayan ka
    Huling sandali na mahalikan ka
    Our love is perfect but we are not perfect!.

    Minsan nag mahal na rin ako ng buong buo na para bang ikaw na ang pinakamasaya sa mundo!.

    I let you go !
    I still love you!
    If it's meant for us Gods will make a way!.

    #superhurt.

  23. Puta!! its been 2 years i thought im completely recovered !!

  24. This is such a very sad song

  25. Yung feeling na alam mong niloloko kana pero nag iistay ka parin kasi ayaw mong mawala sya at mapunta sa iba, Sana naman wag mo kong iwan.

  26. Nice video, Check this out as well. This is one of the most romantic song I've ever heard.

    https://ckk.ai/3S3pc

    Thank you!

  27. Wag na umasa, masakit po
    Please lang december avenue hindi kita inaano 🙁

  28. same feels, almost. ang kinaibahan namin, after break up we moved forward pero hindi nawala yung love for each other. now he likes another person n merong iba, pero sa akin siya bumabalik sa tuwing nasasaktan siya, sabi ko bitawan mo na ko kung siya naman talaga ang gusto mo, he told me to give him time, hindi naman daw nawala yung pagmamahal niya but he wants to be ‘inlove’ with me again, we’re both trying, ako naman hindi nabago, namanhid lang din siguro for a time for all the pain within the gap that we had. Ang probleme he cares for the girl at yung girl is not giving him a chance naman, kaso nagpapabebe lang, friends daw sila. Ako, nagpapakatatag lang, tinitibayan ko lang yung puso ko, mahal ko siya but I’m also protecting myself. Ilang beses ko na siyang tinaboy, ayaw niya naman, at sa tuwing tinataboy ko siya doble yung sakit sa akin pero kung doon naman siya sasaya di ba, yun naman yung totoong pagmamahal. Nahihirapan na daw siya, hindi niya daw mapigil yung feelings niya, he is begging me to make him fall inlove with me again, sabi ko, I can only do so much, I have my part and he also needs to do his part. Tinanong ko siya, sisubukan pa ba namin, ilalaban pa ba namin yung kung ano yung meron kami? sabi ko kaya kong maghintay kahit hirap na hirap na ko, isa lang ang hinihintay ko, yung patas na laban, yung wala siyang sabit na feelings at parehas namin mawork-out yung sa amin. sabi niya ilaban daw. sabi ko sige, kahit ang dami kong pain and fears. lately sabi niya, gusto ko lang malaman mo na nahihirapan ar naguguluhan talaga ako, sabi ko naman, kung nahihirapan na siya, okay lang kahit bitawan na niya ko. 😢💔

  29. Bakit damang dama ko tong kanta na to kahit di naman ako broken 😞

  30. habang pinapakingan ko itong kanta naaalala ko na nabasted ako ng taong nililigawan ko…..

Comment here